Si Lucy at ang Ibang Eco-Warriors ng Barangay KNL: “A Trash to Cash Back Story”
(Photo caption: Si Lucy, Irene at Joseph, mga eco-warriors sa Barangay Krus na Ligas) Araw-araw, simula umaga hanggang gabi, ang mga piraso ng karton, mga papel, lata o yero, plastic at mga tetra pack, ay kinokolekta at iniipon ni Lucy Desio, kasama ang kanyang kaibigan at kapitbahay na si Irene Fabella. Sa tulong naman ng kapitbahay nilang si Joseph Menguito, ang mga naipong materyales ay dadalhin sa drop-off point ng barangay para sa nakatakdang lingguhang koleksiyon. Sila ang ilan lamang sa mga residente ng barangay na itinuturing na eco-warriors sa ilalim ng programang “ Trash to Cash Back ” ng Pamahalaang Lungsod. Ang mga inipon, pinaghiwa-hiwalay na materyales ay titimbangin at may katumbas na environmental points. Ang naipong points ay magagamit sa isang ATM card upang pambayad sa mga grocery items na mabibili o pambayad sa utility bills. Ayon kay Lucy, nakakaipon siya ng halos 10-15 kilong recyclable material sa isang araw at sa isang linggo, siya nakakaipo...