Posts

Showing posts from April, 2026

MAHIGIT 12,000 TRABAHO INIHANDOG NG QC GOVT SA LABOR DAY JOB FAIR 2026

Image
  Quezon City, Mayo 1, 2026  (Photo credit: QC PESO/  (1) QC Labor Day Job... - Quezon City Public Employment Service Office | Facebook ) —  Bilang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon, sa pamamagitan ng QC Public Employment Service Office (QC PESO), ang isang malawakang job fair na naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at palakasin ang suporta para sa mga manggagawa sa iba’t ibang sektor. Ito ay kasalukuyang ginanaganap sa M.I.C.E. center. Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa pambansang tema na “Disenteng Trabaho Para sa Lahat; Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas, Sama-Samang Mararating,” na sumasalamin sa matibay na paninindigan ng lungsod para sa inklusibong kaunlaran at disenteng hanapbuhay. Isinusulong din ng lungsod ang panawagang: “Manggagawang QC, Kasama ka sa Pag-unlad; Ihahatid sa iyo, Trabaho at Oportunidad.” Pinagsama-sama ng Labor Day Job Fair ang mga ahensya ng pambansang pamah...