Posts

Showing posts from September, 2026

Task Force Sampaguita Pinatibay ang Reach-Out Operations sa QC

Image
  QUEZON CITY, September 25, 2026 — Mas pinatibay ng Task Force Sampaguita ang koordinasyon at kahandaan nito sa pagtugon sa mga Individuals in Street Situation (ISS), Children in Street Situation (CISS), at Families in Street Situation (FISS) sa pamamagitan ng tatlong araw na Operational Planning na ginanap noong Setyembre 23–25 sa The Tribute Hotel. Nakatuon ang planning activity sa pagbuo ng mas organisado, rights-based, child-sensitive, at family-centered na approach sa mga reach-out operations, kabilang ang pagkilala at paggalang sa kultura at kalagayan ng mga katutubo. Nakiisa sa programa ang mga resource speaker mula sa DSWD Pag-Abot Program, Social Services Development Department (SSDD), Commission on Human Rights (CHR), Council for the Welfare of Children (CWC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Bahay Tuluyan Foundation Inc. Tinalakay ang mga pangunahing usapin kaugnay ng ISS, CISS, at FISS bilang rights holders , gayundin ang Salubungan Framewor...

QC PESO: QUAD-RD, Hatid ay Mas Mabilis at Abot-Kamay na Katarungan sa Paggawa

Image
   Photo cr e dit:  Q C P E SO QUEZON CITY — Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mapayapa at maayos na ugnayan sa paggawa ang isinagawa sa Quezon City kasunod ng opisyal na paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa Quezon City Alternative Dispute Resolution Desk (QUAD-RD) Program noong Setyembre 21, 2026. Ang QUAD-RD ay isang collaborative initiative ng Department of Labor and Employment–National Capital Region (DOLE-NCR), National Labor Relations Commission–NCR Arbitration Branch (NLRC-NCRAB), Regional Conciliation and Mediation Branch–NCR (RCMB-NCR), at Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO). Layunin ng programa na ilapit sa mga manggagawa at employer ang mas mabilis, patas, at libreng mekanismo para sa conciliation, mediation, at boluntaryong pagresolba ng mga alitan sa paggawa —dito mismo sa Quezon City. Sa pamamagitan ng QUAD-RD, binibigyang-diin ng Quezon City ang kahalagahan ng dayal...