Posts

Task Force Sampaguita Pinatibay ang Reach-Out Operations sa QC

Image
  QUEZON CITY, September 25, 2026 — Mas pinatibay ng Task Force Sampaguita ang koordinasyon at kahandaan nito sa pagtugon sa mga Individuals in Street Situation (ISS), Children in Street Situation (CISS), at Families in Street Situation (FISS) sa pamamagitan ng tatlong araw na Operational Planning na ginanap noong Setyembre 23–25 sa The Tribute Hotel. Nakatuon ang planning activity sa pagbuo ng mas organisado, rights-based, child-sensitive, at family-centered na approach sa mga reach-out operations, kabilang ang pagkilala at paggalang sa kultura at kalagayan ng mga katutubo. Nakiisa sa programa ang mga resource speaker mula sa DSWD Pag-Abot Program, Social Services Development Department (SSDD), Commission on Human Rights (CHR), Council for the Welfare of Children (CWC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Bahay Tuluyan Foundation Inc. Tinalakay ang mga pangunahing usapin kaugnay ng ISS, CISS, at FISS bilang rights holders , gayundin ang Salubungan Framewor...

QC PESO: QUAD-RD, Hatid ay Mas Mabilis at Abot-Kamay na Katarungan sa Paggawa

Image
   Photo cr e dit:  Q C P E SO QUEZON CITY — Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mapayapa at maayos na ugnayan sa paggawa ang isinagawa sa Quezon City kasunod ng opisyal na paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa Quezon City Alternative Dispute Resolution Desk (QUAD-RD) Program noong Setyembre 21, 2026. Ang QUAD-RD ay isang collaborative initiative ng Department of Labor and Employment–National Capital Region (DOLE-NCR), National Labor Relations Commission–NCR Arbitration Branch (NLRC-NCRAB), Regional Conciliation and Mediation Branch–NCR (RCMB-NCR), at Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO). Layunin ng programa na ilapit sa mga manggagawa at employer ang mas mabilis, patas, at libreng mekanismo para sa conciliation, mediation, at boluntaryong pagresolba ng mga alitan sa paggawa —dito mismo sa Quezon City. Sa pamamagitan ng QUAD-RD, binibigyang-diin ng Quezon City ang kahalagahan ng dayal...

QC PESO: Patuloy na Nagbubukas ng Mas Maraming Oportunidad para sa Disente at Inklusibong Trabaho

Image
  Photo credit:    Q C PESO LUNGSOD QUEZON — Pinagtibay ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) ang pangako nitong itaguyod ang disenteng trabaho at inklusibong oportunidad para sa lahat ng QCitizens. Sa kanyang mensahe sa flag-raising ceremony kaninang umaga, July 13, 2026, binigyang-diin ni QC PESO Head Mr. Rogelio Reyes na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nalilikhang trabaho, kundi sa kalidad ng mga oportunidad na naibibigay sa bawat manggagawa. “Ang tunay na pag-unlad ay nakikita kapag ang bawat manggagawa ay may access sa disente, ligtas, at inklusibong trabaho na nagbibigay ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya,” ani Reyes. Ipinahayag din niya ang patuloy na pagsusulong ng QC PESO ng mga programa at serbisyong naglalayong bigyan ang mga QCitizens ng mas maraming oportunidad para sa marangal na hanapbuhay, kasanayan, at pangmatagalang kabuhayan. Kabilang dito ang patuloy na pakikip...

Halos 2,000 Jobseekers, Nakilahok sa Independence Day Job Fair 2026 ng QC PESO

Image
Photo credits:  Q CPESO Facebook account Quezon City, Hunyo 12, 2026 – Matagumpay na isinagawa ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) ang Independence Day Job Fair 2026 , na nagbigay ng pagkakataon sa libu-libong naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan sa mga employer at makahanap ng bagong hanapbuhay sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2026. Ang nasabing job fair ay ginanap sa Trade Hall ng Robinsons Novaliches sa Quezon City. Batay sa tala ng QC PESO ng 4:30 ng hapon , umabot sa 3,369 ang mga nagparehistro online para sa job fair. Sa bilang na ito, 1,959 na jobseekers ang aktuwal na dumalo, kung saan 798 ay kalalakihan at 1,161 ay kababaihan . Nagbunga rin ang programa ng agarang oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng Hired on the Spot (HOTS) . Kabuuang 121 aplikante ang agad na natanggap sa trabaho ng mga kalahok na kumpanya, na binubuo ng 72 kalalakihan at 49 kababaihan . Ipinakita rin ng QC PESO ang patuloy nitong pagsusulong ng i...

MAHIGIT 12,000 TRABAHO INIHANDOG NG QC GOVT SA LABOR DAY JOB FAIR 2026

Image
  Quezon City, Mayo 1, 2026  (Photo credit: QC PESO/  (1) QC Labor Day Job... - Quezon City Public Employment Service Office | Facebook ) —  Bilang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon, sa pamamagitan ng QC Public Employment Service Office (QC PESO), ang isang malawakang job fair na naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at palakasin ang suporta para sa mga manggagawa sa iba’t ibang sektor. Ito ay kasalukuyang ginanaganap sa M.I.C.E. center. Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa pambansang tema na “Disenteng Trabaho Para sa Lahat; Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas, Sama-Samang Mararating,” na sumasalamin sa matibay na paninindigan ng lungsod para sa inklusibong kaunlaran at disenteng hanapbuhay. Isinusulong din ng lungsod ang panawagang: “Manggagawang QC, Kasama ka sa Pag-unlad; Ihahatid sa iyo, Trabaho at Oportunidad.” Pinagsama-sama ng Labor Day Job Fair ang mga ahensya ng pambansang pamah...

SI AMBONG, ISANG MANGHAHASA (KNIFE SHARPENER, CUTLER, KNIFEGRINDER) – ISANG INFORMAL WORKER NG QC

Image
  Isang beses sa isang buwang ko lang siyang nakikita na bumibisita sa aming kalye. Gamit ang malakas niyang boses, masaya niyang isinisigaw ang serbisyong iniaalok sa tao.: “Hasaaaa…… Hasaaaaa” Si Ludovico “Ambong” Espiritu, residente ng Arboretum ng Barangay Philcoa, ay isang “manghahasa” at maituturing na isa sa libo-libong informal workers ng Quezon City na tumutulong upang masustena ang ekonomiya ng lungsod, at ng bansa sa kabuuan. Si Ambong ay 62 taong gulang na at patuloy pa rin sa ganitong gawaing na sinimulan niya noong binata pa siya. Ayon sa kanya, lumuwas siya mula sa Pangasinan noong dekada 80s upang maghanap ng trabaho.Marami siyang naging trabaho at nagpabalik-balik ng probinsya at Kamaynilaan dahil sa trabaho.   Aniya, masaya siya sa pagiging “manghahasa” ngayon. Maliit man ang kita dito, hawak daw niya ang kanyang oras, wala siyang amo, at may nagagawa pa siyang ibang trabaho pagkatapos nito. Iyon nga lang kapag may sakit siya, wala din siyang kita. Ma...

"MAAYOS, MAPAYAPA AT MAUNLAD NA LUNGSOD QUEZON": MAYOR JOY BELMONTE'S 7TH STATE OF THE NATION ADDRESS

Image
 Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang 7th  State of the City Address (SOCA)  kahapon, Oktubre 27, 2025 , ang isang maayos, mapayapa, at maunlad na hinaharap ng lungsod sa darating na panahon, kung saan inilatag din niya ang mga pangunahing nagawa ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan at ang mga prayoridad para sa susunod na taon ng kanyang administrasyon. Ngunit bago ito, sinabi ni QC Vice Mayor Gian Sotto, na ang lungsod ay hindi lang 'City of Stars' kundi "a city of HOPE, FAITH, and LOVE." Mga Tampok (Highlights) sa Talumpati: • Sinalaysay ni Mayor Belmonte ang mga pagsulong sa ilalim ng kanyang 14-Point Agenda , na nakatuon sa mga serbisyong panlipunan, pabahay, kalusugan, edukasyon, hanapbuhay, kapaligiran, imprastraktura, at mabuting pamamahala. • Binanggit niya ang mahahalagang tagumpay sa pagpapaunlad ng maliliit na negosyo , kabilang ang paglulunsad ng MSME Week 2025 upang suportahan ang mga bagong negosyo at lumalago nang kompa...