Task Force Sampaguita Pinatibay ang Reach-Out Operations sa QC
QUEZON CITY, September 25, 2026 — Mas
pinatibay ng Task Force Sampaguita ang koordinasyon at kahandaan nito sa
pagtugon sa mga Individuals in Street Situation (ISS), Children in Street
Situation (CISS), at Families in Street Situation (FISS) sa pamamagitan ng
tatlong araw na Operational Planning na ginanap noong Setyembre 23–25 sa The
Tribute Hotel.
Nakatuon ang planning activity sa pagbuo ng mas organisado,
rights-based, child-sensitive, at family-centered na approach sa mga
reach-out operations, kabilang ang pagkilala at paggalang sa kultura at
kalagayan ng mga katutubo.
Nakiisa sa programa ang mga resource speaker mula sa DSWD
Pag-Abot Program, Social Services Development Department (SSDD), Commission on
Human Rights (CHR), Council for the Welfare of Children (CWC), National
Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Bahay Tuluyan Foundation Inc.
Tinalakay ang mga pangunahing usapin kaugnay ng ISS, CISS, at
FISS bilang rights holders, gayundin ang Salubungan Framework ng PESO
bilang bahagi ng mas koordinadong pagtugon at pag-uugnay ng mga serbisyo.
Sa pamamagitan ng mas sistematikong pagpaplano at mas matibay
na inter-agency coordination, layunin ng Task Force Sampaguita na maging mas
mabilis, angkop, at makatao ang pagtugon sa pangangailangan ng mga indibidwal,
bata, at pamilyang nasa street situations.
Sa QC, ang reach-out ay hindi lamang paglapit—ito
ay pag-abot ng serbisyo, proteksyon, at suporta na may respeto sa karapatan at
dignidad ng bawat isa.




Comments
Post a Comment