Posts

Showing posts from July, 2026

QC PESO: Patuloy na Nagbubukas ng Mas Maraming Oportunidad para sa Disente at Inklusibong Trabaho

Image
  Photo credit:    Q C PESO LUNGSOD QUEZON — Pinagtibay ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) ang pangako nitong itaguyod ang disenteng trabaho at inklusibong oportunidad para sa lahat ng QCitizens. Sa kanyang mensahe sa flag-raising ceremony kaninang umaga, July 13, 2026, binigyang-diin ni QC PESO Head Mr. Rogelio Reyes na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nalilikhang trabaho, kundi sa kalidad ng mga oportunidad na naibibigay sa bawat manggagawa. “Ang tunay na pag-unlad ay nakikita kapag ang bawat manggagawa ay may access sa disente, ligtas, at inklusibong trabaho na nagbibigay ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya,” ani Reyes. Ipinahayag din niya ang patuloy na pagsusulong ng QC PESO ng mga programa at serbisyong naglalayong bigyan ang mga QCitizens ng mas maraming oportunidad para sa marangal na hanapbuhay, kasanayan, at pangmatagalang kabuhayan. Kabilang dito ang patuloy na pakikip...