QC PESO: Patuloy na Nagbubukas ng Mas Maraming Oportunidad para sa Disente at Inklusibong Trabaho
Photo credit: QC PESO
LUNGSOD
QUEZON — Pinagtibay ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO)
ang pangako nitong itaguyod ang disenteng trabaho at inklusibong oportunidad
para sa lahat ng QCitizens.
Sa kanyang mensahe sa flag-raising ceremony kaninang umaga, July 13, 2026, binigyang-diin ni QC PESO Head Mr. Rogelio Reyes na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nalilikhang trabaho, kundi sa kalidad ng mga oportunidad na naibibigay sa bawat manggagawa.
“Ang tunay
na pag-unlad ay nakikita kapag ang bawat manggagawa ay may access sa disente,
ligtas, at inklusibong trabaho na nagbibigay ng pagkakataong mapaunlad ang
kanilang sarili at ang kanilang pamilya,” ani Reyes.
Ipinahayag din niya ang patuloy na pagsusulong ng QC PESO ng mga programa at serbisyong naglalayong bigyan ang mga QCitizens ng mas maraming oportunidad para sa marangal na hanapbuhay, kasanayan, at pangmatagalang kabuhayan. Kabilang dito ang patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang industriya, employers, at mga partner institutions upang mapalawak ang access sa de-kalidad na trabaho.
Binigyang-diin
din ng QC PESO na nananatili itong katuwang ng bawat naghahanap ng trabaho sa
pamamagitan ng mga inisyatibang nakatuon sa employment facilitation, skills
development, at career advancement.
Patuloy ang QC PESO sa pagbubukas ng mas maraming landas tungo sa disenteng trabaho, dahil sa Lungsod Quezon, bawat manggagawa ay may dignidad, may kakayahan, at may pagkakataong umunlad.
Ang flag raising Ceremony ay pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 2 Councilor Candy Medina, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kasama ang mga department heads at kawani ng lungsod,.
.jpg)



Comments
Post a Comment