QC PESO MANAGER INIHAYAG ANG MATAGUMPAY NA PROYEKTO PARA SA MGA PALEROS NG LUNGSOD
Ayon kay G. Reyes, maituturing na
hamon sa QC PESO ang mga dumating na mga pagsubok katulad ng paghingi ng tulong
ng halos 200 waste workers o paleros na nawalan ng trabaho noong Pebrero
ngayong taon. Ang grupo ay humiling na bigyang pansin ang kanilang hinaing para
sa makataong kondisyon sa paggawa at disenteng tranaho.
Dagdag ng QC PESO manager, tumugon
ang Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, sa kalagayan ng
mga paleros at nagbigay ng suporta sa PESO para maiangat ang antas ng kamalayan
at kabuhayan, hindi lang sa manggagawa sa industriya ng pagbabasura sa partikular,
kundi sa kabuuan ng sektor ng impormal na manggagawa sa lungsod.
At upang lalo pa itong patibayin,
naglabas si Mayor Joy Belmonte ng tatlo (3) mahahalagang Executive Order para
sa pagbubuo ng programa sa Good Green Jobs, Community OSH at Tripartism in the
Community (Social Dialogue) na siyang magbibigay lakas sa PESO upang maisulong
ang mga inisyatiba para sa progresibong pagkakataon sa mga impormal na
manggagawa.
Nagpasalamat din si G. Reyes sa mga tumulong at naging katuwang ng PESO sa proyektong ito, katulad ng mga konsehal ng City Council, lalong-lalo kay Konsehal Egay Yap, ang Committee Chairman ng Labor, Employment and OFW sa pagsusulong ng mga ordinansa para sa mga manggagawa ng lungsod. Ganun din kay Action Officer ng Distrito 2, Atty. Bong Teodoro, at COS Weng Macatao, na nagpahatid ng agarang tulong sosyal at pinansyal sa ilalim ng Alagang QC Program ng PESO.
Binanggit binati rin ni G. Reyes
si Angelo Jacob, isang palero na aktibong nakikipagtulungan sa Pamahalaang
Lungsod para sa programa sa mga kasamahan niyang paleros.
Ani PESO manager Reyes, naglunsad
sila ng malawakan o massive profiling at dito nakapagtala ang PESO ng mahigit
3,000 waste workers sa Payatas lamang. Nagsagawa din sila ng Focused Discussion
Groups o FDGs para mas lalong maunawaan ang mga paleros.
Nabigyan ng tulong ang mga
paleros at naipahatid ang mga tulong na ito sa marami at iba’t-ibang paraan,
ayon kay G. Reyes.
Sa pamamagitan ng PESO, kasama si
Angelo Jacob, inorganisa at nabuo ang workers association sa Payatas. Ang
workers association ang samahan ng mga manggagawa na nakatala at kinikilala ng
DOLE upang mabigyan ng tulong at proteksyon ng pamahalaan .
Inilahad din ni QC PESO manager
ang paglalakbay at mga pinagdaan ng mga naorganisang grupo o unang batch na
umabot sa 84 na mga paleros ng Payatas.
Tinulungan sila ng DOLE sa
pamamagitan ng TUPAD at livelihood package bilang panimula sa kanilang gawain.
AT mula sa mga naipong PET bottles nakapagbenta sila ng P32,000 sa isang
recycling facility sa Valenzuela.
Tumanggap din sila ng mga pagsasanay
bilang dagdag kaalaman sa tulong ng NGO tulad ng Ecowaste Coalition, Urban Poor
Associates, PHINLA at ang Ateneo De Manila University,
Nagtungo rin ang mga paleros sa
Baseco, Tondo, Manila upang pag-aralan kung paano mamahala ng Community-managed
Material Recovery Facility at sa Sentinel Upcycling Technology, isa ring
Recycling Facility para sa isang Lakbay Aral, ani G. Reyes.
Ibinalita rin ni QC PESO manager
na sumailalim ang mga paleros sa Garbage Collection Training NC1 ng TESDA at
nakatakdang magsipagtapos sa susunod na lingo - isang maituturing na karangalan
ng lungsod dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong magtatapos sa
ganitong kurso sa buong NCR.
Dagdag pa dito, ani G. Reyes, ito
rin ang pagkakataon na magkakaroon ng kauna-unahang Accredited Assessment
Center ng mga pagsasanay ng TESDA sa Solid Waste Management kapartner ang
Sharelife Cooperative sa Barangay Payatas.
Sabi pa ni G. Reyes, darating ang
panahon na ang lahat ng mga paleros sa buong Metro Manila ay magtutungo sa lungsod
upang dito magsanay at patunay na ang mga manggagawa sa industriya ng
pamamasura ay maaari “i-professionalize” at bigyang dignidad ang kanilang
hanapbuhay.
Mula po sa kanilang naipong
puhunan, sinimulan nilang mamili ng kalakal mula sa kapwa nila Palero sa mas
mataas na halaga at nakakapagbigay na rin sila ng trabaho sa kanilang mga
kasamahan sa komunidad.
Nagpasalamat din si G. Reyes sa
DSQC sa pangunguna ni G. Richard Santuile, sa pagpapagamit ng libre ng kanilang
mga garbage trucks at nangako si G. Santuille na tutulong sa pagbibigay ng mga
angkop na Personal Protective Equipment o PPEs sa mga paleros.
Ayon pa kay G. Reyes, siya ay
nagagalak dahil sa loob lamang ng 2 buwan, amg mga paleros ayy nakapagbenta ng halos
10 tonelada ng PET Bottle, 15 toneladang karton at 5 toneladang lata na nagkakahalaga
na sa mahigit Php400,000.00. Ito ay bukod pa sa ibinigay ng Department of Trade
and Industry o DTI na mga smuggled na produkto na kanilang binaklas at naibenta
rin sa halagang Php116,000.00, dagdag pa ni G. Reyes.
Aniya ito ay hindi maaaring
balewalain dahil ito ay kinikilala o ‘accredited’ ng isang “third-party”
auditor na siyang legal na nagbibigay ng karampatang sertipikasyon para sa
plastic credits alinsunod sa EPR Law. Nakikipagtulungan din ang Holcim
Cement upang magamit ang mga basurang tulad ng plastic foams ay hindi makasama
sa kapaligiran.
Ang sorting facility ay pansamantalang
nasa loob ng Payatas Controlled Disposal Facility sa kabutihang loob ng atin po
ni Arch. Red Avelino ng Parks Development and Administration Department. Balak ipahiram
ng Barangay Payatas sa pangunguna ni PB Rascal Doctor, ang kanilang pasilidad
at ipagamit ang isang garbage truck.
Binigyang-pansin din ng PESO
manager ang tulong na inihatid ng Social Services Development Department, sa pamamagitan
ni Ms. Carol Patalinghog, sa pagbibigay
ng mga libreng bigas; gayundin sa SBCDPO, sa pamumuno ni Ms. Mona Yap, dahil sa
paglalaan ng Capital Assistance mula sa programang Pangkabuhayan QC para sa paleros.
Dagdag pa ni G. Reyes,
naniniwala siyang ang tagumpay ng proyekto para sa mga paleros ay patotoo sa
diwa ng programa ng KAPITBAHAYAN – isang paalala na sa pagtutulungan kaya baguhin
ang buhay hindi lamang ng sarili kundi para sa kapwa at pamayanan.
Bilang pagtatapos, sinabi ni G.
Reyes na sa harap ng krisis ay nakatago ang binhi ng progreso at inobasyon.
Comments
Post a Comment