SI LUZ: ANG ‘SPICE GIRL’ MULA BARANGAY U.P. CAMPUS AT ANG IBA PANG INFORMAL WORKERS NG QC
Si Aling Luz ay nagtitinda ng mga spices at sangkap
pangluto tulad ng durog na paminta, bulaklak ng saging, at iba pa na nakabalot
sa plastic bilang retail goods at sa pamamagitan ng pagsusumikap sa trabaho,
napagtapos niya ang kanilang dalawang anak sa pag-aaral.
Si Aling Luz at ang iba pang masisipag na informal workers
ang walang sawang nagtataguyod at bumubuo sa informal economy, at maging sa kabuuang
ekonomiya ng lungsod.
Ang mga informal workers ay mga taong may mga trabaho ngunit
walang pormal na kontrata o kasunduan mula sa isang employer o amo at kompanya.
Ayon sa depinisyon ng International Labor
Organization (ILO), ang isang manggagawa ay maituturing na “informal worker”
kung siya ay malaya, nagtatrababaho pansarili, isang maliit na manggagawa at
nagbibigay ng maliiit na produkto o serbisyo (“independent, self-employed,
small-scale producers and distributors of goods and services.”). Sila ay
karaniwang hindi tumatanggap ng mga benepisyong katulad ng health insurance,
paid leave at seguridad sa trabaho.
Sang-ayon sa Section 4 ng Quezon City Ordinance No. SP-2512,
S-2016, na kilala bilang “The Quezon City Informal Economy Ordinance”, ang mga informal
economy workers ay nahahati bilang mga “home-based workers (own
account/self-employed), vendors, transportation sectors, non-corporate
construction workers” at ang mga “street workers, waste workers and volunteer
service workers in private and public”.
Ayon sa pinakahuling datos ng QC PESO, mula sa isinagawang
profiling noong February hanggang July 2024, umaabot sa halos 12,774 katao ang
kabuuang bilang ng informal workers sa lungsod. Ang bilang ng mga informal workers,
kabilang ang mga paleros, ang tinututukan at binigyan ng tulong ng pamahalaang
lungsod sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong sa kanila, sa pamamagitan ng Public
Employment Service Office, sa pamumuno ni PESO chief Rogelio L. Reyes.
1st QC Informal Workers Assembly
Photo credit: 1st QC Informal Workers Assembly - Quezon City Government
At noong Mayo 31, 2024, halos 2,500 informal workers mula sa
anim na distrito ng lungsod ang binigyan ng benepisyo ng pamahalaang lungsod.
Para masiguro ang pagbibigay-protekson at suporta sa mga
informal workers ng lungsod, nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang isang Pledge
of Commitment.
QC Workers’ Welfare Program
Photo credit: QC Workers’ Welfare Program - Quezon City Government
Noong March 15, 2025, pinuntahan ni Mayor Joy Belmonte ang halos 6, 000 mangggawa ng lungsod, sa anim (6) na distrito bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod.
Dito, ibinahagi ni Mayor Belmonte ang iba’t-ibang programa ng
pamahalaang lungsod, hatid ng iba’t-ibang departamento, lalo na ang QC Workers’
Welfare Program, hatid ng QC Public Employment Service Office (QC PESO), na naglalayong
gawing organisado ang mga informal at skilled workers sa mga komunidad sa
lungsod.
Tiniyak ni Mayor Belmonte na tututukan ng lungsod ang
pagpapalakas ng Social Protection Programs para sa manggagawa at ang pagbibigay ng
Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG para sa kanilang kinabukasan.
Ayon pa kay Mayor Belmonte, patuloy siyang mag-iikot sa anim
na distrito upang patuloy na matulungan ang bawat manggagawa anumang sektor
nagmula.
Ang hakbang na ito na pagtulong sa manggagawa ng Quezon City ay maituturing na natatangi sa kasaysayan ng lungsod at maging sa tala ng lokal na pamahalaan ng bansa - isang nangunguna at kakaibang mithiin,
#########
Comments
Post a Comment