QC EMPLOYERS’ FORUM INILUNSAD NG PESO, NAGBIGAY NG DAGDAG NA OPORTUNIDAD SA TRABAHO PARA SA MGA QCITIZENS

Inilunsad ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) sa kauna-unahang pagkakataon, ang isang Employers’ Forum upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga QCitizens na naghahanap ng trabaho. Layunin din nitong magkaroon ng mas malapit na ugnayan ang QC government at ang mga employers at business community at upang matiyak na ang mga programa ng pamahalaang lungsod ay angkop sa pangangailangan ng mga kompanya at namamasukang manggagawa dito.

Ang nasabing forum ay ginanap sa loob ng tatlong araw, simula July 5 hanggang July 7, at dinaluhan ng halos 400 kompanya mula sa iba’t-ibang larangan ng industriya at paggawa.

Ang nasabing forum ay nagsilbing plataporma upang madinig at malaman ng QC LGU ang mga alalahanin, suhestyon at feedback ng mga employers at mabigyan solusyon ang mga mahahalagang isyu at magsaliksik at gumawa ng hakbang upang lalo pang mapalakas at mapabuti ang samahan ng lokal na pamahalaan at mga employers at negosyante sa lungsod.

Ipinahayag at ipinahatid ni Mayor Joy Belmonte ang mensahe ng tiwala at sigasig sa ginanap ng Employers Forum: "We believe that by strengthening our partnership with employers, we can create a more vibrant and inclusive economy in Quezon City. This forum allows us to listen to their needs, understand their challenges, and work together towards sustainable growth and development."

Sa pamamagitan ng direktang pakikipagkomunikasyon ng PESO sa forum na ito, nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga employers, nagtaguyod ng pagkakaisa at suporta. Dahil dito nalaman din ng pamahalaang lungsod ang mga hamon na hinaharap ng mga negosyante at mahubog ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan upang matugunan ang isyung ito.

Ang naganap na pagtitipon ay isang positibong hakbang ng PESO upang magkaisa at patatagin pa ang business ecosystem sa QC at palawigin pa ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng job creation.

Bilang pangunahing departamento ng pamahalaang lungsod na namumuno dito, ang PESO ay nagbigay ng maraming oportunidad sa trabaho sa paglulunsad ng forum na ito. Sa nasabing forum, ipinakita  nila ng kasalukuyang programa at serbisyo ng QC LGU, kabilang na dito ang mga skills training program, insentiba sa mga employers, mga pakikiisa o partnership sa mga employers, job trainings, job matching and referral, at iba pa.


Tinalakay sa nasabing forum ang mga usaping sakop ng labor regulations, talent acquisition, skill development,at iba pang hamon sa industriya at paggawa.
Sa pagtatapos ng forum, tiniyak ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng PESO ang mga programa, serbisyo at inisyatiba na magbibigay suporta sa employers at mangangalaga sa diwa ng entrepeneurship, investment at magbibigay pa ng oportunidad sa paglikha ng trabaho para sa QCitizens ng lungsod.

Ang naganap na pagtitipon o Employers Forum ay pinangunahan at pinamahalaan ni QC-PESO Manager Rogelio L. Reyes, Asst. PESO Manager Alex G. Macabulos, at iba pang opisyal ng QC PESO. Kabilang din dito si DOLE QC FO Director II Engr. Martin T. Jequinto na kinatawan ni Ms. Lauren Resulta, at umabot sa 400 employers ng lungsod.

Photos: CTTO

Comments

Popular posts from this blog

QC PESO MANAGER INIHAYAG ANG MATAGUMPAY NA PROYEKTO PARA SA MGA PALEROS NG LUNGSOD

Si Lucy at ang Ibang Eco-Warriors ng Barangay KNL: “A Trash to Cash Back Story”

QC PESO IN REVIEW: 2024