SI AMBONG, ISANG MANGHAHASA (KNIFE SHARPENER, CUTLER, KNIFEGRINDER) – ISANG INFORMAL WORKER NG QC
Isang beses sa isang buwang ko
lang siyang nakikita na bumibisita sa aming kalye. Gamit ang malakas niyang
boses, masaya niyang isinisigaw ang serbisyong iniaalok sa tao.: “Hasaaaa……
Hasaaaaa”
Si Ludovico “Ambong” Espiritu, residente
ng Arboretum ng Barangay Philcoa, ay isang “manghahasa” at maituturing na isa
sa libo-libong informal workers ng Quezon City na tumutulong upang masustena
ang ekonomiya ng lungsod, at ng bansa sa kabuuan.
Si Ambong ay 62 taong gulang na
at patuloy pa rin sa ganitong gawaing na sinimulan niya noong binata pa siya.
Ayon sa kanya, lumuwas siya mula sa Pangasinan noong dekada 80s upang maghanap
ng trabaho.Marami siyang naging trabaho at nagpabalik-balik ng probinsya at
Kamaynilaan dahil sa trabaho.
Aniya, masaya siya sa
pagiging “manghahasa” ngayon. Maliit man ang kita dito, hawak daw niya ang
kanyang oras, wala siyang amo, at may nagagawa pa siyang ibang trabaho
pagkatapos nito. Iyon nga lang kapag may sakit siya, wala din siyang kita.
Maraming alam na ibang trabaho si Ambong, karpintero at tubero din daw siya.
TULONG PARA SA QC INFORMAL
WORKERS
Ang Pamahalaang Lungsod ng
Quezon, sa pamamagitan ng Quezon City Public Employment Service Office (QC
PESO), ay gumawa ng paraan upang matulungan ang mga informal workers ng
lungsod.
Narito ang mga tulong at
programa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City para sa mga informal workers
(mga manggagawang walang regular na employer o kontrata gaya ng tricycle
drivers, street vendors, construction workers, at iba pa):
1. Livelihood at Skills Training
- PESO Skills Training Programs
- Libreng TESDA-accredited training sa
iba't ibang kasanayan (plumbing, housekeeping, caregiving, driving,
beauty care, welding, atbp.).
- May kasamang NC II certification para
mapadali ang pagkuha ng trabaho o pagsisimula ng sariling hanapbuhay.
- Sikap Buhay Entrepreneurship and Cooperative
Office (SBECO)
- Nagbibigay ng training sa pagnenegosyo,
financial literacy, at cooperative development.
- May mga livelihood starter kits (hal.
food cart, sari-sari store package, tailoring kit, atbp.) para sa mga
kwalipikadong benepisyaryo.
2. Employment Assistance
- Quezon City Public Employment Service Office
(PESO)
- Job fairs at local
recruitment activities para sa informal workers na gustong lumipat sa
formal employment.
- Tulong sa pagbuo ng resume, job matching, at
online registration sa QC e-Services
(https://qceservices.quezoncity.gov.ph).
3. Social Protection and Benefits
- QCitizen ID / QC e-Services registration
- Nagbibigay access sa health benefits,
financial aid, at social programs.
- Madalas kailangan bilang requirement sa iba
pang city programs.
- Enrollment sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG ng
mga informal sector workers
- Sa tulong ng PESO at SBECO, tinutulungan
silang magparehistro bilang self-employed members para magkaroon
ng proteksyon.
4. Organizing and Empowerment
- Pagbuo ng Informal Workers Federations at
Associations
- Ang lungsod ay tumutulong sa organisasyon
at accreditation ng mga samahan ng tricycle drivers, vendors, at
home-based workers upang mas madali silang maabot ng tulong.
5.
Financial Assistance
- Tulong Panghanapbuhay sa Ating
Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)
- Programa ng DOLE na ipinatutupad ng QC PESO.
- Short-term emergency employment
(10–30 days) sa mga displaced workers tulad ng vendors, jeepney/tricycle
drivers, o nawalan ng hanapbuhay.
- Pangkabuhayang QC Program
- Puhunan o grant
para sa maliliit na negosyo ng mga informal workers.
- May mentoring at business monitoring
component upang mapanatiling buhay ang kabuhayan.





Comments
Post a Comment