WORLD BEE DAY IPINAGDIWANG SA QUEZON CITY (QUEZON MEMORIAL CIRCLE) SA UNANG PAGKAKATAON KAHAPON MAY 19



Matamis at kapaki-pakinabang ang isinagawang pagdiriwang ng World Bee Day sa Quezon Memorial Circle nitong Mayo 19, sa kolaborasyon ng Beengo Farm, Quezon City Public Employment Service Office, pangasiwaan ng Quezon Memorial Circle, The Joy of Urban Farming, katuwang ang Concentrix. Ito ang unang pagdaos ng World Bee Day ng isang LGU sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Mr Gary Ayuste, founder ng Beengo Farm, ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga bubuyog. “Karamihan po ng pagkain at damit natin ay naka-depend sa kanila. Ganoon kalaki ang industriya ng pag-aalaga ng mga bubuyog.” sabi niya.

Makatutulong din ang mga bubuyog sa mga naghahardin at sa mga urban farmers ng Lungsod Quezon dahil sa likas nilang papel bilang pollinators, ayon kay Mr Ayuste. “For you to have a good harvest, kailangan niyo ng good numbers ng pollinators,” aniya. “Hindi naman hihingi ng porsyento ng harvest ninyo ang mga bubuyog. At the end of the day, may honey ka pa.” 

Inikot din ang mga kalahok sa mga lokasyong may mga bubuyog sa Quezon Memorial Circle sa isang "bee tour." Dito, ipinaliwanag kung paano inaalagaan ang mga bubuyog na pumwesto sa QMC, kung paano tinutulungan at inaalagaan ang mga ito, at ang mga benepisyong dulot nila sa mga halaman ng isang lugar. Ipinakita din kung paano nililipat ang isang colony ng mga bubuyog gamit ang tamang equipment.

Ipinaliwanag din kung bakit maaaring mangagat ang bubuyog at kung bakit hindi ito kasing-normal ng inaasahan, sapagkat mahalagang bahagi ng pagtuturo ng beekeeping ang pag-alis ng takot ng mga tao na makagat ng bubuyog. “Bukod sa kahalagahan nila sa ating food security at food production, kailangan nating matanggal ang stigma at ang takot ninyo sa ating mga bubuyog,” sabi ni Mr Ayuste.

Sumang-ayon dito si Mr Windsor Bueno, administrator ng Quezon Memorial Circle.

“Marami po tayong bees dito sa Circle, subalit ang alam ng park-goers, ang bees po ay nangangagat,” sabi niya. “Marapat na dito cinelebrate ang World Bee Day sa QMC para maibahagi sa mga park-goers at sa mga ibang tao na huwag silang katakutan.”

Ang pagdiwang sa World Bee Day sa Quezon Memorial Circle ay magpapatuloy ngayong Sabado at Linggo, Mayo 20 at 21.

ccto:photos


Comments

Popular posts from this blog

QC Mayor Joy Belmonte Enjoins Everyone in Inclusive Climate Action, Empowers Informal Workers

QUEZON CITY'S FIRST SOCIAL SOLIDARITY ECONOMY ENGAGEMENT FORUM: A VISION OF SOLIDARITY INTO REALITY

QC LGU, DOST-NCR TO COLLABORATE IN IMPLEMENTING iSTART PROGRAM IN QC