KASAMBAHAY SA QUEZON CITY TATANGGAP NG PATULOY NA SUPORTA NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA PAGPAPATUPAD NG QC PESO
Ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod Quezon na nakalaan para sa mga kasambahay sa lungsod ay inilahad ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) sa isang pagtitipon para ipagdiwang ang "Araw ng Kasambahay" na pinangunahan ng DOLE - Bureau of Workers with Special Concern. Ito ay ginanap sa Hotel Lucky China Town, Binondo, Manila noong 21 Enero 2023. Ang patuloy na pagsusulong sa mga programa at serbisyo para sa mga kasambahay ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte na ilahok ang partisipasyon ng karamihan para sa pag-unlad. Sa mensaheng ipinaabot ni QC PESO manager Rogelio L. Reyes sa nasabing okasyon, sinabi niya na “ang mga kasambahay ay katulad din ng mga manggagawa sa pormal na sektor kaya dapat patuloy pa rin bigyan-lakas, paggalang at pagpapaunlad ng mga karapatan at kapakanan”. Sa nasabing pagtitipon, inilahad ni Briggs Dionisio C. Navarra, Special Projects Division Head, ang mga inisyatiba at serbisyo ng Lungsod Quezon para sa kapakan