SOCIAL ENTERPRISE, ENTREPENEURSHIP AT KOOPERATIBA PARA SA QC WORKERS ASSOCIATION LALO PANG ISUSULONG NG QC PESO

 



Lalo pang isusulong ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) ngayong taon ang pagbibigay ng pagsasanay sa social enterprise, entrepeneurship at kooperatiba sa mga kasapi ng workers association - isa na rito ang mga nakapaloob sa urban farming program ni Mayor Joy Belmonte.



Ito ang ipinahayag ni PESO manager Rogelio L. Reyes sa mga lider ng urban farm organizations na dumalo sa nakaraang Pre-summit Urban Farmers Assembly noong January 17-20 sa iba’t-ibang distrito ng lungsod.

Ayon sa PESO manager, maghahatid ng pagsasanay ang PESO, katuwang ang DOLE, TESDA at iba pang ahensya, para turuan ang mga urban farmers sa kasunod na lebel ng kanilang nagawa sa pagtatanim at ito ay ang paglalako o marketing ng kanilang produkto. Kabilang dito ang mga pagsasanay sa online selling and marketing, pagbuo ng community savings group at kooperatiba.

Isa ang New Greenland Urban Farmers Cooperative sa Barangay Silangan ang unang kooperatiba na nabuo ng mga urban farmers sa lungsod. Ang mga kasapi ng kooperatiba ay mayroon ding Community Managed Savings and Credit Associations (COMSCA).

Sa kasalukayan, dumadami ang bilang ng mga urban farm organizations na nagtitinda, hindi lang ng mga inaning gulay mula sa kanilang urban farms, kundi mga produktong ginawa ng kanilang samahan. Ilan sa kanilang mga produkto ay peanut butter, atsara, bagoong, mga plastic bags, accessories, planting pots mula sa recycled materials, fabric conditioner, dishwashing, candles, at iba pa. Dahil dito, tinulungan ng PESO ang mga samahan at grupo para makapag-rehistro sa Department of Labor and Employment bilang workers association.



Karamihan sa mga urban farmers ng lungsod ay sumailalim noong nakaraang taon sa mga ilang pagsasanay na may kinalaman sa pagnenegosyo tulad ng entrepeneurship training, livelihood training, financial literacy training, basic accounting and bookkeeping, COMSCA, cooperative organizing, at iba pa.

Ang mga nasabing pagsasanay ay ilan sa mga paraan para maihatid ang mga QCitizens sa maayos na landas ng pamumuhay at maging sustenable ang urban farming program sa lungsod, alinsunod sa programa ni Mayor Joy Belmonte na maging kaakibat ang lahat ng tao sa pagkamit ng kaunlaran ng lungsod. ###

Comments

Popular posts from this blog

QC PESO MANAGER INIHAYAG ANG MATAGUMPAY NA PROYEKTO PARA SA MGA PALEROS NG LUNGSOD

Si Lucy at ang Ibang Eco-Warriors ng Barangay KNL: “A Trash to Cash Back Story”

QC PESO IN REVIEW: 2024