SI LUZ: ANG ‘SPICE GIRL’ MULA BARANGAY U.P. CAMPUS AT ANG IBA PANG INFORMAL WORKERS NG QC

Si Aling Luz Bergamo, 50+ taon gulang, nakatira sa Sitio Lambak sa Barangay U.P. Campus, ay isa sa libo-libong tao na bumubuo sa sektor ng informal workers ng Quezon City. Si Aling Luz ay nagtitinda ng mga spices at sangkap pangluto tulad ng durog na paminta, bulaklak ng saging, at iba pa na nakabalot sa plastic bilang retail goods at sa pamamagitan ng pagsusumikap sa trabaho, napagtapos niya ang kanilang dalawang anak sa pag-aaral. Si Aling Luz at ang iba pang masisipag na informal workers ang walang sawang nagtataguyod at bumubuo sa informal economy, at maging sa kabuuang ekonomiya ng lungsod. Ang mga informal workers ay mga taong may mga trabaho ngunit walang pormal na kontrata o kasunduan mula sa isang employer o amo at kompanya. Ayon sa depinisyon ng International Labor Organization (ILO), ang isang manggagawa ay maituturing na “informal worker” kung siya ay malaya, nagtatrababaho pansarili, isang maliit na manggagawa at nagbibigay ng maliiit na produkto o serbisyo (“i...