UNANG GRUPO NG URBAN FARMERS MULA SA QC COMMUNITY GARBAGE TO GARDEN PROJECT, NAGTAPOS NG BOKASHI COMPOSTING TRAINING

 


Malakas na pangako ng pagtulong sa kalikasan ang narinig sa graduation ceremony ng unang batch ng Community Garbage to Garden Project. Ang pagtatapos, na may temang "Cultivating Change, Harvesting Hope" ay idinaos sa Quezon City Experience, Quezon Memorial Circle, noong Abril 25, 2023. Ito ay isinagawa ng Bokashi Pinoy, katuwang ang Quezon City Public Employment Service Office, Joy of Urban Farming, at Coca-Cola Foundation Philippines.


Limampu’t-limang graduate ng programa ang binigyan ng sertipiko matapos dumalo sa apat na learning session, kung saan sila ay tinuruan ng bokashi method ng pag-compost.



Ang bokashi method ay isang organic na paraan ng paggawa ng isang pandagdag sa nakapagpapataba ng lupa. Dito, ang food waste at iba pang mga organic na materyal na basura ay pinapa-ferment, sa tulong ng mga ispesyalistang good bacteria. Ang resultang soil amendment, na tinatawag na Kompashi, ay maraming taglay na sustansya at microorganism na nakakatulong magpataas ng kalidad ng lupang maaaring gamiting sa urban farming at paghahardin. 

Ayon kay Ms. Lanie Francisco, founder ng Bokashi Pinoy, nakakatulong ang bokashi method sa paglaban sa climate change, dahil malaking bahagi dito ang pagtabi ng organic na basura, na kaya namang simulan ng sinuman.

“Ang simpleng pagtatabi ng ating basura, that is already a form of climate action na kayang-kayang gawin sa bahay,” sabi niya. “Kaya natin [na umaksyon], to do something for ourselves, for our families, for our families, and for the environment.”

Ikinatuwa naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang potensyal na maitutulong ng bokashi sa mga programang pangkalikasan ng lungsod. “Ang ating ultimate objective sa Lungsod Quezon ay zero waste,” sabi nya. “Ngayon, sa lebel pa lang ng pamilya ay pwede nang magkaroon ng zero organic waste, through the bokashi program.”

“Can you imagine how big a contribution you can make to our goal of a sustainable community kung ang bawat tahanan sa lungsod quezon ay mawawala ang organic waste? It means inorganic ang kailangang iprocess,” dagdag ni Mayor Belmonte.

Hindi dito natatapos ang programa ng mga graduate. Hamon sa kanila ngayon ang pagpapatuloy na pagpapalaganap ng pag-bokashi at pagtulong sa kalikasan. “Today is your graduation day, but it is also your first day of our commitment in our advocacy” pahayag ni Mayor Belmonte. “Hindi magtatapos sa inyo, bagkus kayo ngayon ang magtuturo kasama namin sa iba pang mga pamilya kung paano nila gagamitin ang technology na ito.”

“Ngayong na-experience n'yo na, may karanasan na kayo sa pagbobokashi, isasabuhay naman natin ito. Gawin nating part ng ating routines, ating habit,” dagdag ni Ms. Fransisco. “Ang susunod nating aksyon is to engage the rest of the community.”

Comments

Popular posts from this blog

QC Mayor Joy Belmonte Enjoins Everyone in Inclusive Climate Action, Empowers Informal Workers

QUEZON CITY'S FIRST SOCIAL SOLIDARITY ECONOMY ENGAGEMENT FORUM: A VISION OF SOLIDARITY INTO REALITY

QC LGU, DOST-NCR TO COLLABORATE IN IMPLEMENTING iSTART PROGRAM IN QC