KASAMBAHAY NG QUEZON CITY PATULOY ANG PAGTANGGAP NG TULONG AT SUPORTA NG QC GOVT, PESO

 

Patuloy ang paghahatid ng tulong at suporta ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte para sa mga kasambahay sa lungsod, sa pamamagitan ng iba't-ibang programang dinadala ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) sa pamumuno ni G. Rogelio L. Reyes. Ang mga tulong at suporta sa mga kasambahay ay inihahatid ng PESO Special Projects Division.

Isang patunay, ang mga kasambahay mula sa Barangay UP Teachers Village East ay sumailalim sa isang oryentasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng Republic Act 10362 0 Kasambahay Law na ginanap sa Barangay UP Teachers Village East noong Agosto 21, 2022.


Ang kasambahay orientation ay inihatid ng QC Public Employment Service Office (QC PESO), katuwang ang Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR), Dumalo bilang tagapagsalita si Engr. Jeremias Red, kinatawan ng DOLE-NCR at ipinaliwanag niya ang batas gayon din ang mga karapatan at tungkulin ng kasambahay bilang manggagawa. Ipinahayag din niya ang mga pribelihiyo ng isang kasambahay bilang kasapi ng Social Security System, PhilHealth at Pag-ibig, gayun din ang kanilang karapatan na magkaroon ng 5-day work leave kada taon at iba pa.




Sa mga isinasagawang oryentasyon ng QC PESO para sa mga kasambahay sa bawat barangay sa mga distrito ng lungsod, kadalasang katuwang nito ang mga barangay at samahan ng mga kasambahay.

Sa nasabing pagtitipon noong Agosto 21, nagsalita din sa pagtitipon si Atty. Virgilio Ferrer III, ang punong barangay ng Barangay UP Teachers Village East.

Bilang kinatawan ng PESO Special Projects Division na namamahala sa sektor ng mga kasambahay sa lungsod, sinabi ni G. Briggs Dionisio Navarra ang kahalagahan ng pagiging organisadong grupo. Inilahad din niya ang mga tulong at benepisyo maaaring matanggap ng grupo bilang rehistradong workers association na kikilalanin ng lungsod at DOLE. Hinikayat din niya ang mga samahan ng mga kasambahay na lumahok sa registration program ng lungsod sa pamamagitan ng PESO at sa iba pang programa tulad ng urban farming and agriculture, entrep training, ALS program at iba pa.




Bago matapos ang pagtitipon, inihalal ng mga kasapi ng samahan ng kasambahay ng Barangay UP Teachers Village East ang tatayong pinuno at mga opisyal ng samahan at sila ay nanumpa sa kanilang tungkulin pagkatapos ng halalang naganap. Sila ay sina:

President: Michelle Capote
Vice President: Estrelita Arnaiz
Secretary: Deceryl Saligumba
Treasurer: Janet Balsimo
Auditor: Lucy Vinluan
PRO: Aida Eumenda at Divina Roque


Comments

Popular posts from this blog

QC Mayor Joy Belmonte Enjoins Everyone in Inclusive Climate Action, Empowers Informal Workers

QUEZON CITY'S FIRST SOCIAL SOLIDARITY ECONOMY ENGAGEMENT FORUM: A VISION OF SOLIDARITY INTO REALITY

QC LGU, DOST-NCR TO COLLABORATE IN IMPLEMENTING iSTART PROGRAM IN QC