Posts

Showing posts from July, 2023

QC EMPLOYERS’ FORUM INILUNSAD NG PESO, NAGBIGAY NG DAGDAG NA OPORTUNIDAD SA TRABAHO PARA SA MGA QCITIZENS

Image
Inilunsad ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) sa kauna-unahang pagkakataon, ang isang Employers’ Forum upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga QCitizens na naghahanap ng trabaho. Layunin din nitong magkaroon ng mas malapit na ugnayan ang QC government at ang mga employers at business community at upang matiyak na ang mga programa ng pamahalaang lungsod ay angkop sa pangangailangan ng mga kompanya at namamasukang manggagawa dito. Ang nasabing forum ay ginanap sa loob ng tatlong araw, simula July 5 hanggang July 7, at dinaluhan ng halos 400 kompanya mula sa iba’t-ibang larangan ng industriya at paggawa. Ang nasabing forum ay nagsilbing plataporma upang madinig at malaman ng QC LGU ang mga alalahanin, suhestyon at feedback ng mga employers at mabigyan solusyon ang mga mahahalagang isyu at magsaliksik at gumawa ng hakbang upang lalo pang mapalakas at mapabuti ang samahan ng lokal na pamahalaan at mga employers at negosyante sa lungsod. Ipinahayag at i