WORLD BEE DAY IPINAGDIWANG SA QUEZON CITY (QUEZON MEMORIAL CIRCLE) SA UNANG PAGKAKATAON KAHAPON MAY 19
Matamis at kapaki-pakinabang ang isinagawang pagdiriwang ng World Bee Day sa Quezon Memorial Circle nitong Mayo 19, sa kolaborasyon ng Beengo Farm, Quezon City Public Employment Service Office, pangasiwaan ng Quezon Memorial Circle, The Joy of Urban Farming, katuwang ang Concentrix. Ito ang unang pagdaos ng World Bee Day ng isang LGU sa Pilipinas. Ipinaliwanag ni Mr Gary Ayuste, founder ng Beengo Farm, ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga bubuyog. “Karamihan po ng pagkain at damit natin ay naka-depend sa kanila. Ganoon kalaki ang industriya ng pag-aalaga ng mga bubuyog.” sabi niya. Makatutulong din ang mga bubuyog sa mga naghahardin at sa mga urban farmers ng Lungsod Quezon dahil sa likas nilang papel bilang pollinators, ayon kay Mr Ayuste. “For you to have a good harvest, kailangan niyo ng good numbers ng pollinators,” aniya. “Hindi naman hihingi ng porsyento ng harvest ninyo ang mga bubuyog. At the end of the day, may honey ka pa.” Inikot din ang mga kalahok sa mga lokasyong may