UNANG GRUPO NG URBAN FARMERS MULA SA QC COMMUNITY GARBAGE TO GARDEN PROJECT, NAGTAPOS NG BOKASHI COMPOSTING TRAINING
Malakas na pangako ng pagtulong sa kalikasan ang narinig sa graduation ceremony ng unang batch ng Community Garbage to Garden Project. Ang pagtatapos, na may temang "Cultivating Change, Harvesting Hope" ay idinaos sa Quezon City Experience, Quezon Memorial Circle, noong Abril 25, 2023. Ito ay isinagawa ng Bokashi Pinoy, katuwang ang Quezon City Public Employment Service Office, Joy of Urban Farming, at Coca-Cola Foundation Philippines. Limampu’t-limang graduate ng programa ang binigyan ng sertipiko matapos dumalo sa apat na learning session, kung saan sila ay tinuruan ng bokashi method ng pag-compost. Ang bokashi method ay isang organic na paraan ng paggawa ng isang pandagdag sa nakapagpapataba ng lupa. Dito, ang food waste at iba pang mga organic na materyal na basura ay pinapa-ferment, sa tulong ng mga ispesyalistang good bacteria. Ang resultang soil amendment, na tinatawag na Kompashi, ay maraming taglay na sustansya at microorganism na nakakatulong magpataas ng kali...