KASAMBAHAY NG QUEZON CITY PATULOY ANG PAGTANGGAP NG TULONG AT SUPORTA NG QC GOVT, PESO
Patuloy ang paghahatid ng tulong at suporta ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte para sa mga kasambahay sa lungsod, sa pamamagitan ng iba't-ibang programang dinadala ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) sa pamumuno ni G. Rogelio L. Reyes. Ang mga tulong at suporta sa mga kasambahay ay inihahatid ng PESO Special Projects Division. Isang patunay, ang mga kasambahay mula sa Barangay UP Teachers Village East ay sumailalim sa isang oryentasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng Republic Act 10362 0 Kasambahay Law na ginanap sa Barangay UP Teachers Village East noong Agosto 21, 2022. Ang kasambahay orientation ay inihatid ng QC Public Employment Service Office (QC PESO), katuwang ang Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR), Dumalo bilang tagapagsalita si Engr. Jeremias Red, kinatawan ng DOLE-NCR at ipinaliwanag niya ang batas gayon din ang mga karapatan at tungkulin ng kasambahay bilang ...