"MAAYOS, MAPAYAPA AT MAUNLAD NA LUNGSOD QUEZON": MAYOR JOY BELMONTE'S 7TH STATE OF THE NATION ADDRESS
 
 Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang 7th  State of the City Address (SOCA)  kahapon,  Oktubre 27, 2025 , ang isang maayos, mapayapa, at maunlad na hinaharap ng lungsod sa darating na panahon, kung saan inilatag din niya ang mga pangunahing nagawa ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan at ang mga prayoridad para sa susunod na taon ng kanyang administrasyon. Ngunit bago ito, sinabi ni QC Vice Mayor Gian Sotto, na ang lungsod ay hindi lang 'City of Stars' kundi "a city of HOPE, FAITH, and LOVE."  Mga Tampok (Highlights) sa Talumpati:  •	Sinalaysay ni Mayor Belmonte ang mga pagsulong sa ilalim ng kanyang 14-Point Agenda , na nakatuon sa mga serbisyong panlipunan, pabahay, kalusugan, edukasyon, hanapbuhay, kapaligiran, imprastraktura, at mabuting pamamahala.  •	Binanggit niya ang mahahalagang tagumpay sa pagpapaunlad ng maliliit na negosyo , kabilang ang paglulunsad ng MSME Week 2025  upang suportahan ang mga bagong negosyo at lumalago nang kompa...